One more utang paid

Sa totoo lang, I'm just making this account as my journal para sa journey ko ng pagbabayad ng utang, it feels good and this will be a good thing na balikan once I'm done with everything to serve as my lesson.

Since sumweldo ulit ako. I paid yung remaining ko sa Fastcash and closed the account. I now understand why people recommend the snowball method, yung peace of mind na kita mong may nabawas sa utang mo is such a great relief sa mental health ng someone na lubog sa utang. No matter how small, kung nababawasan naman yung mga accounts na babayaran mo, mas makakahinga ka ng ayos at makakapagisip ka ng next strategy mo.

I was able to list down the accounts na may utang pa ako, hindi pa lang yung amount. Hindi ko muna tinignan yung amount kase alam kong wala pa akong pambayad, nilista ko yung sa utang ko sa Ggives and Gloan kase alam kong kaya ko nang bayaran. I usually use Gcash for my necessities so I'll strategize on how to pay it full para mabawas sa mga accounts na need kong bayaran then also checking on how to fully pay yung Revi Credit and late payments ko sa CIMB PL ko since malaki nga raw yung interest.

Aside from those utang above, the remaining ones is yung sa Atome Card, Shopee, and Maya Credit ko. Past due na yung Atome pati yung SLoan and Spay ko while yung Maya Credit yung nagiisang nirevolving ko. Atome and Shopee is nasa baba ng list ko, pero hopefully mabawasan this coming March using yung performance bonus.

I'll continue on listing down my budget para di nagkakagulatan, mas napipigil din akong gumastos ng hindi naman kailangan when I list thing kesa puro excel file lang. Mas ramdam talaga pag sinulat sa papel. Mas disciplined. Super layo pa, baka isang taon o dalawa pa bago to matapos pero I know na matatapos din to. Sana rin mapromote next year, makakabangon din tayo ❤️