Should i let this client go?
Context: i have a full-time work and another long-term project client. Recently, I accepted a new client on a per hour basis.
Okay naman sana to kasi mataas yung hourly at $20 via Upwork. I have 5-10hrs limit per week pero di ako lumalampas sa 5hrs, usually less.
Yung prob ko is magulo yung client and yung workflow nya. Aware sya na magulo and he’s been trying to fix it pero di talaga naaayos.
Yung client din mismo magulo. Ang daming updates everywhere from Monday to Slack to Whatsapp and it takes time to catch up.
Minsan nakaka-trauma mag-run ng time kasi tinatanong nya ano daw ba ginawa ko bakit ako nakaubos ng 4hrs. Minsan kasi nauubos yung oras kaka-pa meeting nya, trying to catch up on tasks, finding stuff para makawork ako. Partida, di na nga ako nagra-run ng time minsan kaya feeling ko dami ko na din libreng effort na ginagawa for him.
I believe in his work and the client is overall mabait naman. Madami red flag I know. I am also not a newbie (10+ yrs experience) pero siguro desperate lang ako sa pera kaya kahit alam kong red flag, pinupush ko pa din. 😭
Be honest nalang siguro with me? Para magising sa katotohonan or baka maayos pa to?