Pinagalitan ako ng boss ko kasi I chose to attend my classes.
I (22F) am a working student. I work at a nearby coffee shop at my school, mag 5 months na ako nag wowork sakanila for part time, very flexible naman ang schedule, and if ever may changes mag papaalam ka lang then okay na.
Nung mga 3rd month ko pa lang nag a-awol yung mga ibamg crew, kasi hindi nila kinakaya ung environment ng cafe, sobrang ingay, mainit, madumi, walang CR. Kaya pag may nag a-awol mag vovoluntary akong mag duty (that time di pa ako fully loaded ng units), para maka survive yung cafe, since konting lugi na lang mag sasara na ito.
Now, I recently enrolled for 2nd semester, and it turned out na full load ako and wala nako time to work part time sa cafe, so I decided na mag resign, nag resign ako January 4 and ang reason ko is wala na talagang time. But until katapusan yung render ko, pumayag na lang ako since kaya ko pa naman mag render, and bawal yung immediate resign.
Nag bigay ako ng TA ko sa cafe then my boss said "noted". 2 weeks have gone by, nag karon ng slight change sa schedule ko sa school, agad ko tong sinabi sa boss ko and sabi niya, parang wala na raw ako pinasok sa cafe (may other days pa akong pwede ipasok in a week)
I said sorry several times, but sabi niya sa akin "parang kasalanan ko pa na hindi ko naintindihan schedule mo", she was referring to the TA I sent 2 weeks ago.
Idk. Idk if kasalanan ko ba, dapat ba umabsent ako sa class ko nalang para makapag render pa ako or what.
Wala kaming paper contract, verbal lang, and ayoko sana mag AWOL kasi I respect both my boss and the café (since 2nd job ko ito).
Ewan, di ko alam, gusto ko lang ishare. Any advices or comments is encouraged.