Hindi ako killjoy, di lang talaga tayo close.
Birthday ng boss ko last week tapos nag invite sya sa karaoke. Introvert ako so I was already dreading this sa simula pa lang tapos yung mga ka close ko sa office di maka attend kasi parehong nagkasakit so ako lang mag isa + yung coworkers ko from different offices (iba2 kami ng office since assigned kami sa iba't ibang site) sobrang kulit at gulo nila yung typical party hard outgoing people. Pinipilit nila akong kumanta kahit ayoko, Kasi di nga ako comfortable. Tapos tinutukso pa nila ako. Ok lang naman sana sa akin if we were at that level of closeness eh kaso hindi. I barely know them, Nasa utak ko "sino ba kayo?! ba't ang feeling nyo?!" Sira na Gabi ko simula nun.