Hindi ako pumayag makipag 50/50 sa pag bili ng motor ng boyfriend ko

Matagal ng gusto bumili ng boyfriend ko ng sarili niyang motor kasi convenient daw at para makapag rides daw kami. Ang kaso hindi pa niya kayang kumuha kasi maliit lang yung sinasahod niya sa work niya ngayon.

Ako naman kakagraduate ko lang last year at naghahanap palang ng work at palagi niyang sinasabi na kapag may work na daw ako, kumuha daw kaming dalawa ng motor. At first pumayag ako since gusto ko mag rides rides kami.

Ngayong taon nakahanap na ako ng work at nalaman niyang mas malaki ang sahod ko kaysa sakanya at mas madalas na niyang nababanggit na kumuha kami ng motor kasi daw kaya na namin. But then, narealize ko na magiging unfair pala if mag 50/50 kami since hindi naman ako marunong mag motor. So basically siya lang talaga makikinabang sa bibilhin naming motor kasi ang sabi niya pa is gagamitin niya daw yung motor sa work niya ng mon-fri so mas lalo kong naisip na hala lugi nga ako if ganon ang set up. Saka ang pinaka reason lang talaga ng pag bili namin ng motor is para makapag gala/rides kami sa malalayong lugar.

Ang sabi niya hindi daw ako lugi don dahil ihahatid sundo niya daw ako sa work, which is hindi naman uubra dahil sa schedule naming dalawa. Saka hatid sundo ako ng tatay ko at mas malapit ang house ko sa work ko kaysa siya pa ang hahatid sundo saken na medyo malayo sakanya.

Eh balak ko rin sanang bilhan ng motor ang tatay ko kasi sirain na yung motor niya and need na palitan. So sinuggest ko sakanya na pwede naman bilhan ko tatay ko and hiramin nalang namin if may lakad kaming dalawa pero tumanggi siya. And also nag suggest pa ako na pwede naman kumuha siya ng sarili niyang motor at tutulungan ko siyang mag hulog if ever ma short siya (and im willing to do that) pero tumanggi parin siya.