Yung kapitbahay ko, niluluto yung mga ulam namin na nasa common freezer!
Guys, hindi ko na kaya. I need to let this out kasi baka sumabog na ako sa galit. So ganito: sa apartment building namin, may shared freezer sa hallway. Simple lang ang rule: label your food and don’t touch other people’s stuff. Pero guess what? May isa kaming kapitbahay na ang kapal ng mukha. As in, kinukuha yung mga ulam namin na naka-freeze... TAPOS NILULUTO AT KINAKAIN!
Paano ko nalaman? Eto: May araw na nagluto nanay ko ng frozen caldereta for me. Sobrang excited pa ako kasi ang tagal ko nang nag-crave. Pagpunta ko sa freezer—wala na yung container. Akala ko na-misplace lang, pero nung gabi, naamoy ko sa hallway yung EXACT na amoy ng caldereta namin. Hinanap ko pa yung pinaglagyan—guess what? Nasa basurahan nila yung empty Tupperware namin.
Pinabayaan ko muna kasi baka “honest mistake.” Pero ilang araw lang, nawala na naman yung frozen tapa ko. Tapos sinundan pa ng embutido, frozen na bangus, pati yung konting sorbetes ko na pang-weekend treat! At eto yung malala: minsan, naririnig ko pa sila sa labas, tumatawa habang nagkukuwentuhan, “Ang sasarap ng mga nilalagay nila sa freezer, no?” Ang kapal, di ba?
Eto na yung breaking point: Last night, bumili ako ng special na wagyu cubes (yes, mahal yun para sa akin!) kasi reward ko sana after a long week. Nilabel ko pa ng bold letters: “DO NOT TOUCH - THIS IS NOT YOURS.” Kanina pag-check ko? Gone. Wala. Evaporated. Tapos naamoy ko na naman yung mga walanghiya na nag-iihaw sa labas ng unit nila.
Put*ng ina, nagising na talaga ang rage ko. Sinugod ko yung door nila at tinanong kung sila kumuha. Alam mo kung ano sagot? “Hindi lang naman ikaw gumagamit ng freezer ah, bakit ka nang-aakusang parang ikaw lang ang may karapatan dito?” Gusto ko nang magsaboy ng suka sa pinto nila, pero pinigilan ko sarili ko.
So now, here I am. Wala na akong ulam. Wala na akong peace of mind. At everytime na naamoy ko yung niluluto nila, gusto kong mag-full-on barangay meeting para magkaalaman. Sinong gumagawa ng ganito? Hindi ba common sense na wag kumain ng hindi sa’yo?
Nilock ko na yung next batch ng food ko sa isang cooler with a padlock. Pero naiisip ko na baka basagin nila.
UPDATE
Hindi ko in-expect na ang daming galit sa kapitbahay ko (and tbh, same energy tayo). Ang daming suggestions, and while tempting yung mga prank na level Home Alone, I decided to play it smart. Gusto ko may resibo, legal, at may konting oomph para sa final blow. Eto na ang chika:
So I followed your advice, mga Internet advisors! Bumili ako ng mild laxatives (legal and safe ha, may reseta pa from a legit doctor). Pero dahil ayoko namang magpa-barangay agad-agad (masyadong stressful), nag-decide ako na gawin itong social experiment kuno.
Naglagay ako ng bagong batch ng frozen food sa freezer: adobo in a container na malaki ang label: "NOT YOURS. May surprise sa loob. Good luck."
Napaka-obvious na ito, pero sa mga taong ganito kakapal ang mukha, di mo na alam kung marunong silang mahiya o hindi.
Alam niyo yung feeling na parang detective sa Netflix? Ganyan ang drama ko sa hallway. Naglagay ako ng hidden camera (calm down, not illegal kasi hallway siya at walang privacy issue), at hinintay ko yung next move nila. Akala ko pa nga, baka matakot na sila sa "May surprise" warning. Pero guess what? NINAKAW PA RIN.
Mga alas-otso ng gabi, nakita ko sa footage na si Ate Karen (not her real name, pero very fitting) ang kumuha ng adobo. May pa-silip-silip pa siyang ginawa sa paligid bago binuksan yung container. Malakas ang loob, grabe. I swear, parang scene sa heist movie.
Mga alas-diyes ng gabi, narinig ko na yung tok tok tok sa CR nila. Tapos sunod-sunod na yung sound effects sa loob - alam niyo na 'yun. Literal na warzone vibes. Naririnig ko si Ate Karen na parang naiiyak na, “Grabe naman, ano ‘to?!”
Mga ilang minuto lang, dumaan si Kuya (asawa niya yata) sa hallway na mukhang galit. Dumiretso sa pinto ko at nag-doorbell. Akala ko magsosorry, pero aba, may the audacity pa silang tanungin:
Kuya Karen: “May nilagay ka ba sa pagkain sa freezer?”
Me (with my best innocent face): “Bakit? May problema ba? Eh, hindi naman para sa inyo yun, di ba?”
Sinabihan nila ako na "dangerous" daw yung ginawa ko. Sabi ko naman, “Eh di sana, hindi ninyo kinuha kung hindi sa inyo.” Nakakaloka, kasi wala na silang maisagot. Ang ending, napahiya sila at pumasok na lang ulit sa unit nila.
Feeling ko tapos na ang kwento, pero eto ang plot twist: kinabukasan, nagpa-barangay meeting sila. AKO ang ini-report.
Mga besh, gusto kong tumawa, pero seryoso na rin ako kasi alam kong sila yung may kasalanan. Nagdala ako ng resibo (yung video footage) at medical certificate na safe yung laxatives. Pagkatapos ipakita lahat, guess what? Napahiya sila sa harap ng barangay! Ang ending: sila ang napagsabihan at pinagbawalang gumamit ng common freezer.
Ngayon, peace na ako. Bumili na rin ako ng sarili kong mini freezer para sure na walang makikialam. Pero sa tuwing naamoy ko yung adobo sa hallway, natatawa na lang ako.