Sinabihan ako ng Mama ko na “Laspag ka na”
Di ko akalain na sakanya ko pa mismo maririnig yung ganyang salita. Sarili kong ina, ganun ang tingin sa akin.
Ginawa ko naman lahat para maging mabuting anak. Nagaral ako ng mabuti, nakagraduate ako ng college. Magna Cum Laude ako nun. Binalewala ko pangarap ko para sa kanila. Nagstay ako sa family business namin kahit sobrang layo sa course na tinapos ko. Ano pa bang kulang?
Nagdate kami ng bf ko, as usual nagpaalam ako sakanya. Harap harapan niyang sinabi na “kape nanaman? Ang landi landi mo. Magchcheck-in ka lang naman. Laspag ka na” Upon hearing those words, di na ko lumaban. Umalis nalang ako kaagad. Iniyak ko nalang sa boyfriend ko.
I do respect her opinions. Opinion niya yun eh. Pero yung ganitong sabihan ako ng harapharapan na malandi at laspag, I can’t bear it. Para akong hinihila pababa. Mas masakit pa to kaysa sa mga pambubugbog na ginawa niya sakin nung bata ako.
Kaya sa mga parents diyan, please communicate well sa mga anak ninyo. Wag naman sana yung ganito. May iba pa namang way para magdisiplina ng anak. As parents, you should know better than us. 😔