Naranasan niyo na ba maliitin sa mall na parang wala kayong pambayad sa mga hinakot niyo?

Nakapang bahay lang ako, crocs, shorts na pang gym, jacket and walang make up or alahas - di maputi.

Ngayon, bumili ako sa National Bookstore dito sa probinsya namin ng mga gamit ko for my hobby - acrylic painting. Although may stocks pa naman ako sa bahay, need ko lang talaga ng mga new set of acrylic paints, quality brushes since tumigas na mga brushes ko, mga canvas, and isang buong tube ng acrylic with some pens, sharpies, at madami pa. Aware ako sa prices which is quite costly naman talaga pero wala akong pake sa prices since gusto ko lamg bumili ng pang hobby for escape sa work since super stress ang work ko.

Yung cashier bawat punch ng item or scan sinasabi sakin yung mga price.

Cashier: 345 isang tube neto. (Acrylic tube titanium white - kasi lagi ko tong nauubos 🙃)

Me: Yes, okay lang po. :) (Smiling pa ako nun thinking na wala naman yun baka sinusure nya lang if aware ako sa prices haha)

Cashier: Eto 899 to, kunin mo? talking about the Pebeo Acrylic set 24 tubes, di ko sure yung exact price basta somewhere ganyan sya ata

Me: Yes. Why po?

Cashier: Patuloy sa pagpunch nung iba kong items tapos mataray na yung itsura nya, nakataas na yung isang kilay eh. Pagdating sa brushes. “ Kunin mo din to lahat?

Me: Yes, lahat ng nasa basket ko babayaran ko. Why po?

Di na ko kinausap. Tapos yung total is around 3400+ since may iba pa ako na mga binili.

Behhh, may pambayad po ako. Afford ko yung mga kinuha ko. Mukha lang siguro akong tambay pero beh Managerial level na ako sa isang international tech company at earning high income. Afford at deserve ko naman siguro tong mga acrylic set and canvas ko 🙃

*Edit base na din sa nagcomment sa baba: I dress for comfort. WFH ako ngayon but I do have a lot of business attire din since dati akong onsite. Di naman siguro need na naka office attire pa pag bibili sa mall diba and saturday evening?? Mind you, di naman ako mukhang basahan nung pumunta naka crocs clog, uniqlo shirt, and underarmor shorts. Di din ako madumi pero di ako maputi, which is baka akala ng ate mo madumi ako tignan kasi di nga ako kaputian. 🥲 Point is kahit na di branded ang suot basta nakapang bahay lang need ba nila ganyanin? If ever na yung reason nila is based from their past experience kesyo baka ivoid ko or check price lang if aware ako, I understand. Pero, Is it necessary for them na magtaray after ko iconfirm yung 2 items at sabihin yung dulo about sa brushes na as if naman nilagay ko lang just for fun? 🙃 *