Proof na fake yung kumakalat na screenshots na may topnotchers na and passers
Okay, I know how anxious everybody are dahil sa results, pero please wag kayo maniwala doon sa screenshots ng topnotchers and list ng passers na naka blurred. As someone na may experience malala sa graphic design, halatang edited kasi siya… lalo na doon sa page: 2 of 293, may rectangle na shape sa likod ng text nya na tinapal. Plus, naexperience ko yan last november 2023 noong nagaabang ako ng results para sa gagawin naming pubmat, sabi ko sa kapwa ko editors na may result na pero naka blurred. Pero nung chineck ko yung may 2023 na results, same sya don sa kiniclaim ng website na top performing schools daw ng november 2023. So gumagawa talaga sila ng paraan para makahatak sa mga tao na ivisit nang paulit-ulit website nila.
Plussss, pag chineck niyo yung november 2023 na list and itabi niyo sya doon sa kumakalat na post, same lang siya, may tinanggal lang sila sa list and inangat yung names ng ibang tao don. Iaattach ko na rin screenshot nung dalawa para alam niyo tinutukoy ko.
Also, malala ako mag search sa google para malaman kung totoo ba yung pinost nila na november 2024 passers, nahanap ko yung google drive link ng files na yon, and tignan niyo naman yung email, tas yung profile picture logo ng PRC? So yeah, ang intention talaga nila is mangloko ng tao at gamitin tayo to gain revenue sa pag visit sa site nila.