MCA: Currently in a Relationship with a 12-Year Age Gap: Will it be Worth it?

So I (M22) am currently in a relationship with my 34 y/o gf (single mom), and medyo complicated 'to pero I hope maintindihan niyo. First time ko magsulat dito, so yeah.

6 months ago, naging close kami ng gf ko ngayon. Magkalapit lang kami ng tirahan that time, pati work namin magkalapit din, kaya halos araw-araw kami nagkikita. Ang dami rin naming common friends kaya after work, lagi kaming nagha-hangout. Pero during that time, nasa LDR siya with her bf (medyo nagkakalabuan na sila and parang hinihintay na lang nilang mag-end yung relationship naturally). Kaya ayun, doon na rin kami naging close. Lagi ko siyang ginagawang biro, nagpapatawa, minsan nagiging playful/flirty rin kami sa isa’t isa, and parang may signs na rin na she likes me back, and we went through tough situations na din together even while friends.

As time went by, naging mas close pa kami and nag-uusap na rin kami online frequently kahit na nasa LDR pa siya. Pero hindi na rin siya binibigyan ng time and value nung bf niya. So ayun, eventually nag-break sila. Pero by that time, sobrang close na rin namin at may nabuo nang deep connection. Hanggang sa naging official relationship na rin kami.

Ngayon, mga 3-5 months na kaming magka-relationship and okay naman kami. I’m a "date-to-marry" type of guy and maaga akong na-expose sa realidad ng buhay, kaya siguro medyo mature na rin ako for my age. Okay lang din sakin na may “plus one” siya, and willing akong tanggapin yung responsibility sa future. She doesn’t ask for support sa anak niya kasi kaya naman niya, pero financially stable din ako if ever na kailangan.

Gusto ko lang itanong kung ano sa tingin niyo yung possible challenges na pwede naming ma-encounter? Worth the risk ba ‘to? Appreciate any advice